| december's valentine ( @ 2006-12-15 13:04:00 |
| Current location: | dsp! :D |
| Current music: | sleep all day by jason mraz |
lantern parade na mamaya...
guess what? sa dsp ako nag-uupdate ng lj. :)
iba na ito, nagfifeeling SA na ako. buti na lang si jha ang nagpumilit na mag-internet kami. kaya ayun. si oliver nga eh, busy chatting with God. seriously.
anyway, lantern parade na mamaya. tapos miss eng'g. sana talaga manalo si raffy. ang ganda ganda niya kasi eh. mas maganda pa kaysa sa akin... hehehehehe. go circuit!!!!!!!
*******
tapos na ang indakan. hehehe, talo. sabi ng mga tao, nakakaaliw naman yung presentation namin. ewan ko ba, pero masyado akong nalungkot pagkatapos. hindi ko kasi inaasahan na ganun kadulas ang stage kaya na-concious ako masyado. pigil ang steps, baka kasi madulas. ang pangit tuloy...
then may nakalimutan pa akong steps. nakakainis talaga... muntik na nga akong umiyak eh. kaso masyado akong dehydrated kaya walang luhang lumabas.
pero maganda naman ang loob ng mga indacktors after. gumaan tuloy ang loob ko. tama naman kasi yung judge. in the end, nasiyahan talaga kami sa kakasayaw, beats any dancing technique the other groups do.
tska nagustuhan din ng circuit. walang masamang nasabi. buti na lang!!!!! :P
circuit hayt!!!!!
*******
tapos na rin ang birthday ni dearest. happy birthday ulit! ang tanda mo na! hehehe... pwede ko ulit sabihin na dalawang taon ang pagitan namin :).
nanood ng tenacious d para magcelebrate. hindi ako magiging pretentious, never pa akong nakarinig ng kahit isang kanta nila. pinanood ko kasi alam kong maaaliw si lex, kahit papaano. tsaka, jack black comedy pa rin yun. astig talaga yung bata sa first scene. kuhang kuha talaga niya. :D
happy birthday ulit! i love you! :D